Balolong, Siquijor – Namahagi ng mga gamit sa eskwela ang Larena PNP sa mga mag-aaral sa Brgy. Balolang, Larena, Siquijor nito lamang Sabado, Hunyo 18, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay isinakatuparan ng mga tauhan ng Larena PNP sa pangunguna ni PMaj Rex M Ibañez, Officer-in-Charge, katuwang ang Municipal Advisory Council.
Matamis na ngiti at pasasalamat naman ang ibinigay ng mga mag-aaral ng Balolang, sa mga kapulisan na nagkaloob ng mga kagamitan na kanilang lubos na mapakikinabangan sa kanilang pag-aaral.
Hangad ng nasabing aktibidad na bigyan inspirasyon ang mga mag-aaral na mas lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral para sa kanilang magandang kinabukasan.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista