Namigay ng libreng school supplies ang mga tauhan ng Baler PNP para sa mga Children of Muslim Community sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora nito lamang Biyernes, ika-13 ng Hunyo 2025.
Pinangunahan ni PCMS Katherine V Abiang, MCAD PNCO sa direktang pamumuno ni Police Major Edgardo L Javar, Chief of Police ng Baler Municipal Police Station.
Nakatanggap ng papel, kwaderno, krayola at lapis ang mga estudyante mula sa munting tulong ng Baler PNP.
Layunin nito ang makapaghatid ng serbisyo ang mga awtoridad na sa pamamagitan nito ay kanilang mapagtibay ang magandang ugnayan sa kanilang mga nasasakupan.
Panulat ni Pat Digna Jane Tenorio Malubay