Pangasinan – Nagbigay ng libreng pailaw ang 105th Maneuver Company PNP ng Regional Mobile Force Battalion-1 sa pamumuno ni Police Captain Ronnel Balangcod, Acting Company Commander, alinsunod sa RD’s Impact “Pailaw Project” ng Pulis sa Barangay Poblacion, Dasol, Pangasinan nito lamang Linggo, ika-22 ng Enero 2023.
Ayon kay Police Captain Balangcod, ang nasabing recipient ay mag-isa lamang na nabubuhay sa kanyang tahanan at matagal ng gumagamit lamang ng lampara.
Ayon pa kay Police Captain Balangcod, nagpaabot din ang 105th Maneuver Company PNP ng grocery package para sa kanyang pantawid pagkain sa araw-araw.
Dagdag nito, kinausap din ng kapulisan ang Punong Barangay sa nasabing lugar para sa kanyang kaligtasan.
Samantala, ang 105th MC ay patuloy na magtatayo ng mga Pailaw Project sa mga madidilim na lugar para sa kaligtasan ng mga mamamayan at mabigyang liwanag ang mga daanan.
Ito ang tatak 105th MC CARES, “ang MALASAKIT ay pagpapakita ng pagmamahal at paglilingkod” na binansagan itong “Kapwa Ko Sagot Ko at Pailaw ni Mamang Pulis” sa pamamagitan ng bagong programa ng ating CPNP na “M+K+K=K (Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=Kaunlaran).
Source: Rmfb1-105TH Maneuver Company
Panulat ni PSSg Lhenee B Valerio