San Guillermo, Isabela – Matagumpay na iginawad sa isang pamilya ang libreng pabahay project ng San Guillermo Police Station noong ika-20 ng Setyembre 2022 na ginanap sa Barangay Villa Sanchez, San Guillermo, Isabela.
Ayon kay Police Major Merwin T Villanueva, Hepe ng San Guillermo PNP, naging benepisyaryo ng kanilang proyekto ang pamilya ni Ginoong Allie Sangrio na residente ng nabanggit na barangay. Masayang tinanggap ng benepisyaryo ang libreng pabahay na
nagkakahalaga ng Php230,000.
Naisakatuparan ang proyekto dahil sa pagtutulungan ng San Guillermo Police Station, lokal na pamahalaan ng San Guillermo; mga stakeholders at mga miyembro ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Group at Force Multipliers.
Maliban sa bahay ay nakatanggap din si Ginoong Sangario ng sako ng bigas at mga grocery items.
Pinuri naman ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang buong hanay ng San Guillermo PS dahil sa pagsasagawa ng naturang proyekto na naglalayong makapagpaabot ng tulong sa mga indigent families na mabigyan sila ng maayos at disenteng tirahan.
Source: San Guillermo PS
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi