Negros Oriental – Naghandog ng libreng meryenda ang mga tauhan ng Tourist Police Unit ng Negros Oriental Police Provincial Office sa mga bata ng Dauin, Negros Oriental nito lamang Pebrero 25, 2023.
Pinangunahan ni Police Captain Tejay Rochelle Asok, Officer-In-Charge ng Tourist Police Unit, katuwang ang Barangay Officials ng nasabing lugar.
Natuwa ang mga bata hindi lamang sa masarap na pagkain na kanilang natanggap pati na rin sa mga aktibidad na madalas na isinasagawa ng Tourist Police Unit sa kanilang lugar na lubos nilang pinapapasalamat.
Tinatayang nasa 100 indibidwal ang nabigyan ng tinapay at spaghetti na siyang pinilahan ng mga ito.
Patuloy ang Tourist Police Unit sa pagpapanatili ng katahimikan at pagbibigay ng serbisyong kalidad na mas maglalapit ng ugnayan ng pulisya at komunidad tungo sa kaunlaran.