Nagsagawa ang Police Regional Office (PRO) 13 ng libreng medikal at dental check-up para sa mga tauhan ng naturang rehiyon kasama ang kanilang mga mahal sa buhay, dependents, at PNP retirees kaugnay sa pagdiriwang ng 29th Police Community Relations Month na ginanap sa Camp Col Rafael C Rodriguez, Butuan City, nito lamang Hulyo 16, 2024.

Mahigit 100 PNP personnel ang nag-avail ng libreng medical at dental check-up habang 15 PNP dependents ang nakatanggap ng “operation tuli”.

Pinuri ni Police Brigadier General Alan M Nazarro, Regional Director ng PRO13, ang pagsisikap at pakikipagtulungan ng Regional Community Affairs and Development Division 13 at Regional Medical and Dental Unit 13.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong pangalagaan ang kalusugan ng mga kapulisan upang mapabuti ang kanilang kakayahang maglingkod nang mahusay at matikas sa kanilang tungkulin tungo sa isang Ligtas na Bagong Pilipinas.

“Remember that ensuring your health and well-being is our priority. As emphasized by the Chief of the Philippine National Police, Police General Rommel Francisco D Marbil, “Pamilya Muna Bago ang Iba”, ani PBGen Nazarro.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin