Naghandog ng libreng lugaw at tubig ang PNP Alicia sa pamumuno ni Police Major Francis Pattad, Chief of Police at LGU sa pamumuno ni Atty. Joel Amos P Alejandro, CPA, Municipal Mayor sa Alicia Public Cemetery, Brgy. Antonino, Alicia, Isabela noong Oktubre 31, 2022.
Ang libreng lugaw at tubig ay ipinamimigay sa mga bumibisita sa sementeryo at ito naman ay kinaluguran ng mga mamamayan.
Layunin ng gawaing ito na maiparamdam ang malasakit sa mga mamamayan ng Alicia, Isabela kahit sa simpleng paraan ay napapangiti at natutuwa ang bawat mamamayan.
Source: Alicia Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos