Pampanga – Tuloy-tuloy na naghahatid ng serbisyo ang mga tauhan ng Mabalacat City PNP sa pamamagitan ng feeding program para sa mga mag-aaral ng Pila Elementary School, Barangay Duquit, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Nobyembre 2023.
Ang naturang aktibidad na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Alfredo Canlas, Acting Chief ng Mabalacat City Police Station.
Nagpakain ng libreng lugaw at namahagi ng loaf bread na nagbigay ng ngiti at kasiyahan na naglalayong mapalapit ang loob ng mga bata upang hindi katakutan bagkus, ang Mabalacat City PNP ay kakampi at maaasahan ng kabataan.