Pampanga – Tuloy-tuloy na umaarangkada ang pamamahagi ng libreng loaf bread ng Mabalacat City PNP sa mga residente ng Brgy. Mabiga, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Sabado, ika-2 ng Disyembre 2023.

Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Alfredo Canlas, Acting Chief of Police ng Mabalacat City Police Station.

Nakatanggap ang bawat isa ng loaf bread mula sa Mabalacat City PNP na patuloy sa paghahatid ng serbisyo at mapanatili ang magandang ugnayan sa kanilang nasasakupan.
Source: Mabalacat City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera