Pampanga – Tuloy-tuloy na namamahagi ang mga tauhan ng Mabalacat City PNP ng libreng loaf bread sa mga residente ng Riverside, Brgy. Dolores, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Sabado, ika-14 ng Oktubre 2023.

Pinamunuan ito ni Police Lieutenant Colonel Alfredo Canlas, Acting Chief of Police ng Mabalacat City Police Station katuwang ang Gardenia Philippines na kanilang isa sa stakeholders sa pamimigay ng loaf bread.

Likas ang pagiging matulungin at paghahatid ng serbisyo ng Mabalacat City PNP upang mas mapagtibay ang ugnayan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera