Sultan Kudarat – Namahagi ng libreng iftar ang mga tauhan ng 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 sa mga estudyanteng Muslim ng Sultan Kudarat State University sa Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang ika-17 ng Abril 2023.
Pinangunahan ni Police Major Joemari Cua, Company Commander, ang naturang aktibidad kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Sultan Kudarat, College of Law Students at Mu Kappa Phi National Exclusive Fraternity and Sorority.
Mahigit 500 ang naging benepisyaryo na napamahagian ng libreng iftar (fast-breaking evening meal) na idinonate ni Honorable Datu Pax Ali Mangudadatu, Dr. Samson Molao at Honorable Datu Zahir Mamalinta.
Nagpasalamat naman ang mga estudyante dahil sa taos-pusong paghahandog sa ating pulisya sa kabila ng mga sakuna at pandemya.
Ang aktibidad ay nagpapatunay ng matibay na ugnayan ng pulisya at mamamayan tungo sa progresibo, maayos at mapayapang bayan.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia/RPCADU12