Brooke’s Point, Palawan – Nagsagawa ng libreng gupit ang Brooke’s Point PNP sa Sitio Mati, Brgy. Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan, bandang 1:30 ng hapon nito lamang Biyernes, Mayo 6, 2022.
Ang aktibidad ay pinamumunuan ni Police Major Raffy Esperida, Acting Chief of Police ng Brooke’s Point Municipal Police Station at Police Senior Master Sergeant Arlene Favilonia na pinamalas ang angking galing at eksperto sa larangan ng paggugupit.
Nasa sampung batang Indigenous People (IPs) ang naging benepisyaryo ng kanilang libreng gupit.
Lubos naman ang pagpapasalamat at galak ng mga kabataan na nakinabang sa libreng gupit. Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga magulang dahil sa pinamalas na kabutihan ni PSMS Favilonia at sa bumubuo ng Brooke’s Point MPS.
Layunin ng programa na mas paigtingin ang ugnayan ng PNP at mga kapatid nating IPs tungo sa mas maunlad at payapang komunidad.
Source: Brooke’s Point Municipal Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz