Camiling, Tarlac – Isinagawa ang Feeding Program ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Tarlac PNP sa Brgy. Malacampa, Camiling, Tarlac nito lamang Sabado, Agosto 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Franklin Palaci Estoro, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company kasama ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group.
Tinatayang 160 na residente ang nahandugan ng libreng pagkain at libreng gupit sa nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP sa mga mamamayan upang maging kaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating bansa.
Source: 2nd Provincial Mobile Force Company, Tarlac PNP
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera