Mandaluyong City — Namahagi ng bulaklak ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station sa mga nanay na residente ng kanilang lugar bilang pagdiriwang ng Mother’s Day nito lamang Linggo, ika-14 ng Mayo 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Jurana Ollaging, Chief, SCADS sa pamumuno ni Police Colonel Cesar Gerente, Chief of Police ng Mandaluyong CPS.
Nag-ikot ang kapulisan ng istasyon upang mamahagi ng mga bulaklak at food packs sa mga piling nanay ng kanilang lugar.
Hindi din pinalampas ng istasyon na bigyan ang kanilang mga personnel ng naturang bulaklak upang maipadama ang kanilang pambihirang serbisyo sa publiko.
Ang naturang aktibidad ay isang paraan ng Mandaluyong PNP bilang pasasalamat at pagpapahalaga sa mga ilaw ng tahanan sa kanilang mga sakripisyo at pag-aaruga.
Source: Mandaluyong CPS
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos