Nagsagawa ng isang makabuluhang aktibidad ang mga tauhan ng Bacuag PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng seguridad sa isinagawang LGU Family Day na ginanap sa Z-wall, Barangay Poblacion, Bacuag, Surigao del Norte bandang 4:08 ng hapon nito lamang ika-30 ng Setyembre, 2024.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Police Master Sergeant Ceasar N Cagas, CAD PNCO sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Franklin P Parejo, Acting Chief of Police, katuwang ang mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa ilalim ng pamamahala ni Hon. Marc Arthur Caberte, Punong Barangay.
Nagbigay-diin ito sa kahalagahan ng pakikipagtulungan sa komunidad para sa mas ligtas na kapaligiran.
Sa pamamagitan ng kanilang sinseridad at aktibong presensya, umaasa ang mga lokal na awtoridad na mapanatili ang katahimikan at seguridad sa Bacuag.
Layunin ng nasabing aktibidad ay magsagawa ng community engagement sa pamamagitan ng presensya ng pulisya at pagbibigay ng seguridad sa lahat ng mga taong dumalo alinsunod sa programa ng L.I.G.T.A.S. Caraga, na naglalayong palakasin ang mga hakbang sa seguridad at epektibong estratehiya sa pag-iwas sa krimen.
Patuloy ang Bacuag PNP sa pagbibigay ng seguridad sa mga mamamayan, pati na rin sa pagbuo ng tiwala at magandang ugnayan sa publiko, para sa mas maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Karen Mallillin