Tacloban City – Pinangunahan ng mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office ang isinagawang Bloodletting Activity na ginanap sa Provincial Headquarters, Kuta Kankabato, San Jose, Tacloban City, ngayong araw, Oktubre 3, 2022.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng pinaigting na Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Leyte PPO sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Edwin C Balles, Provincial Director at ng Eastern Visayas Medical Center (EVMC).
May kabuuang 21,000 cubic centimeters (cc) ang naibahagi ng 42 na qualified donors na mula sa iba’t ibang Municipal Police Station, City Police Station at Provincial Mobile Force Company.
Ito ay pinangasiwaan ng EVMC Blood Bank team na pinamumunuan ni Dr. Mark Louie Torregoza, Medical Officer III sa pakikipag-ugnayan sa Police Community Affairs and Development Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rey B Cabelin, Chief PCADU at Leyte Provincial Medical and Dental Unit sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Marichu P Montaño.
Layunin ng naturang aktibidad na matugunan ang suplay ng dugo sa buong Eastern Visayas para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.
Ang Pambansang Pulisya ay magpapatuloy sa pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan para sa mga ganitong aktibidad upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez