Leyte – Lumahok ang mga tauhan ng Leyte Police Provincial Office sa 3-day Training of Trainers sa Barangay Tanod Skills Enhancement na nagtapos nitong Nobyembre 16, 2022 sa Madison Park Hotel, Tacloban City.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Department of Interior and Local Government Regional Office 8 sa pangunguna ni Dir. Arnel M. Agabe, DILG-8 Regional Director.
Ang naturang aktibidad ay naglalayon na malaman ang mga mahahalagang tungkulin ng mga Barangay Tanod kung saan mahalagang magkaroon sila ng sapat na kasanayan, kaalaman at katangian upang makapaglingkod sa publiko.
Ang mga Barangay Tanod ay nagsagawa ng iba’t ibang gawain sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa barangay. Nagsisilbi silang “Force Multipliers” ng Philippine National Police sa pangangalaga sa pangkalahatang kapakanan ng mga nasasakupan laban sa anumang krimen.
Ang tatlong araw na pagsasanay ay aktibong nilahukan ng PNP, BFP, DILG, Focal Persons ng lahat ng probinsya sa Eastern Visayas.
Kasama sa pagsasanay ang legal basis sa mga tungkulin/responsibilidad ng barangay tanod at Punong Barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng publiko; mga kanais-nais na katangian ng mga Barangay Tanod; Arrests, Search and Seizure, limitasyon ng Barangay Tanods/Punong Barangays sa tungkulin o functions, Human Rights Based Approach in Responding to VAWC and Child Abuse cases at iba pang mga paksang nauugnay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.
Bawat isa sa mga kalahok ay naghatid ng maikling presentasyon upang ipakita ang kanilang mga natutunan mula sa mga natalakay.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Police Colonel Edwin C Balles, Provincial Director ng Leyte PPO sa DILG 8 sa pagsasagawa ng nasabing event.
Mensahe ni PCol Balles, “I would like to express my sincere appreciation to the DILG Region 8 family, especially the facilitators of the said training, for this holistic initiative that would surely boost the capabilities and confidence of our PNP personnel in empowering and professionalizing our barangay force multipliers in the performance of their peacekeeping functions.”