Nagsagawa ng lecture seminar ang mga tauhan ng Gabaldon Municipal Police Station sa mga residente ng Barangay Bagong Sikat, Gabaldon, Nueva Ecija nito lamang Sabado, ika-13 ng Hulyo 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ni Police Major Rey Ian Dr Agliam, Officer-In-Charge ng Gabaldon Municipal Police Station, na aktibong nilahukan ng mga residente.
Nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa Rape, Republic Act 7610 at iba pang Gender-Based Violence na talakayan, na naglalayong ipaalam sa mga ito ang kanilang mga karapatan at ang tamang proseso ng pag-uulat at paglaban sa pang-aabuso.
Laking pasalamat naman ng mga kalahok sa kanilang bagong kaalaman.
Ang ganitong mga aktibidad ay mqkakatulong upang magkaroon ng mas makatao at makatarungang lipunan kung saan ang lahat ay pantay-pantay at ligtas mula sa anumang uri ng pang-aabuso.
Panulat ni Patrolwoman Lixen Reyz A Saweran