San Jose, Antique – Nagsagawa ng Lecture patungkol sa Environmental Protection and Preservation ang Antique Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Alexander Mariano, Provincial Director, sa Grasparil Hall, Antique PPO, San Jose, Antique nitong Mayo 24, 2022.
Pinangunahan ng Police Community Affairs and Development Unit ng Antique PPO sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Rowell Buccat, Chief, PCADU, ang naturang aktibidad na naglalayong talakayin ang mga mahahalagang hakbang ng rehiyon kaugnay sa pangangalaga at pagpapanatili ng kaayusan sa ating kapaligiran.
Kabilang sa mga tinalakay ang RA 8550 (Philippine Fisheries Code) at PD 705 (Forestry Reform Code of the Philippines) na pinangunahan ni Judge Jojo C Cruzat at “Knowledge Empowerment Handling in Environment” at iba pang mga batas tungkol sa environmental protection and preservation na tinalakay naman ni Sir Louie Laud, MENRO-Belison.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang 18 PCAD PNCOs kasama ang First at Second Antique Provincial Mobile Force Company at iba pang PCADU personnel, samantala dumalo naman ang iba’t ibang Chief of Police ng rehiyon sa pamamagitan ng virtual conference.
Tinalakay naman sa naturang pagtitipon ang mga latest directives at guidance tungkol sa mga compliances ng iba’t ibang sections, at ang paparating na 27th PCR Month Celebration.
Samantala, pinasalamatan naman ni Police Colonel Mariano at Police Lieutenant Colonel Buccat sina Judge Cruzat at Sir Laud sa pagbahagi ng mga mahahalagang impormasyon lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
###