Matagumpay na nailunsad ng Project Motorcycle Anti-Crime Response for Better Intervention and Law Enforcement (M.A.R.B.I.L) at Turn Over ng 14 Motorcyles na Honda XL 150CC sa General Santos City Police Office, Camp Fermin G Lira Jr, General Santos City nito lamang ika-26 ng Marso 2025.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Arnold P. Ardiente, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang naturang aktibidad kasama sina Police Colonel Ariel B. Acala, Acting Chief, Regional Logistics Research and Development Division, at PCol Nicomedes P. Olaivar Jr., City Director ng GSCPO.


Ang Project M.A.R.B.I.L. ay isang madiskarteng inisyatiba na naglalayong mapadali ang pagbibigay ng serbisyo at pagtugon sa kriminalidad. Ang mga bagong turn-over na motorsiklo ay dagdag tulong sa mas mabilis na responde.
Binibigyang-diin ng programa ang pangako ng PRO 12 sa pagpapalakas ng presensya ng pulisya at pagtiyak ng mahusay na paghahatid ng serbisyo sa komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Vina C Morales