Pormal nang binuksan sa publiko ang Satellite Hub para sa pagkuha ng National Police Clearance (NPC) sa Robinsons Mall, Pueblo de Panay, Barangay Lawaan, Roxas City nito lamang ika-10 ng Hulyo 2024.
Naging panauhing pandangal sa nasabing kaganapan si PBGen Jack L Wanky, Regional Director ng PRO 6 at dumalo din sa aktibidad si Roxas City Mayor Ronnie T. Dadivas, PLtCol Necerato G Sabando, OIC ng Capiz Police Provincial Office, PLtCol Francisco D Paguia, hepe ng Roxas City at Ms. Rhoda Avelino, Regional Operations Manager ng Robinsons Land Corporation.
Ang pagbubukas ng nasabing NPCS Satellite Hub ay naglalayong palawakin at gawing mas madali ang pagtugon sa pangangailangan ng publiko ang pagkuha ng NPC.
Patuloy na magsisikap ang buong hanay ng kapulisan na palakasin ang seguridad at itaas ang antas ng paglilingkod sa komunidad.
Source: PCADG Western Visayas
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat