Isinagawa ng Police Regional Office 12 ang Launching ng KADIWA ng Pangulo Store na ginanap sa PRO 12 Covered Court, Camp Gen Paulino Santos, Tambler, General Santos City nito lamang Marso 28, 2025.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Arnold P Audience, Regional Director ng Police Regional Office 12 ang nasabing aktibidad.

Ang naturang programa ay inilunsad upang tugunan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular na sa bigas para makapagbigay ng mas mura at sariwa na produkto ng mga magsasaka.
Layunin ng Kadiwa ng Pangulo Store na suportahan ang Local Farmers na isa sa mga programa ng ating Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr., na pataasin ang kita ng mga lokal na magsasaka at may-ari ng maliliit na negosyante at makapagbigay ng murang bilihin.