Cebu – Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Lapu-Lapu City PNP sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Pangan-an Lapu-Lapu City, Cebu nito lamang umaga ng Martes, Mayo 16, 2023.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Lapu-lapu City Police Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Richard Oliver, Deputy City Director for Administration, Lapu-Lapu Police Station 1 sa pangunguna ni Police Major Felix Cleopas III, Station Commander, PNP Maritime Group at Tourist Police Unit LCPO.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Junard “Ahong” Chan, City Mayor, katuwang ang CENRO Lapu-Lapu City sa pangunguna ni Dr. Ronald Oporto, Officer-In-Charge, DILG Lapu-Lapu City, Barangay Officials at SK Officials.
Nakalikom ang grupo ng tinatayang 50 na sako ng mga basura kagaya na lamang ng plastic, Styrofoams, lampin, tasa at bote sa baybayin ng Barangay Pangan-an.
Ang mga nakalap na sako-sakong mga basura ay dadalhin sa Materials Recovery Facility (MRF) sa Sitio Soong, Barangay Mactan, para sa segregation at muling paggamit ng mga item na may halaga pa rin.