Lamitan City, Basilan – Habang abala ang iba sa pagdiriwang ng kapaskuhan ay nagsagawa naman ang Lamitan City Police Station ng Search and Rescue Operation sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan sa Barangay Matibay, Barangay Limook at Barangay Malinis sa Lamitan City, Basilan noong Disyembre 25, 2022.
Ang mga tauhan ng Lamitan CPS sa pangunguna ni PLtCol Arlan Delumpines, Chief of Police, ay nagsagawa ng Search and Rescue operation dulot ng malakas ng ulan na sanhi ng mabilis sa pagbaha sa lugar.
Agad namang nailikas ang ibang pamilya na nalubog sa baha at nanatiling nakastandby ang ating kapulisan sa anumang posibleng idulot nito.
Tuwing ika-25 ng Disyembre ay ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Hesu Kristo, ngunit imbes na kasama ng ating kapulisan ang kanilang mahal sa buhay ay nandoon sila upang magbigay ng serbisyo publiko sa ating komunidad na isa sa diwa ng kapaskuhan ang “pagtutulungan.”
Patunay na walang pinipiling oras ang ating PNP na magpaabot ng tulong sa ating kapwa, mapakasiyahan man o kalungkutan para makamit ang pagkakaisa ng bansa at para sa ikakaayos, ikapapayapa at ika-uunlad ng pamayanan.
Panulat ni Patrolman Mark Vincent Valencia