Arestado sa ikinasang manhunt operation ng San Carlos City Police Station ang isang lalaki na wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 sa Barangay Bugallon-Posadas St., San Carlos City, Pangasinan nito lamang Sabado, April 12, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Eleazar C Edolmo, Chief of Police ng nasabing istasyon, ang suspek sa pangalang “Michael”, 31-anyos, isang construction worker, at residente ng Barangay Balite Sur, San Carlos City, Pangasinan.
Ayon kay PLtCol Edolmo, naaresto ang suspek bandang 4:26 ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” na may inirekomendang piyansa na Php24,000.
Nanindigan naman ang himpilan ng Laoag na kanilang ipagpatuloy ang pagpapaigting ng kanilang mga operasyon at kampanya laban sa kriminalidad upang panatilihing tahimik at payapa ang kanilang nasasakupan.
Source: San Carlos CPS