Arestado ng mga tauhan ng Quirino Municipal Police Station ang lalaking Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa Barangay Poblacion, Quirino, Ilocos Sur nito lamang ika-8 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Tito B Lawana Jr, Officer-In-Charge ng Quirino Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Dodong”, 36, walang asawa at residente ng Manabo, Abra, Cordillera.
Nadakip ang suspek bandang 10:58 ng umaga sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang ating kapulisan ay patuloy na maglulunsad ng mga operasyon upang mahuli ang mga taong wanted o may pananagutan sa batas upang maihatid ang hustisya sa kanilang mga naging biktima at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad patungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Jenilyn Consul