Arestado ng Infanta PNP ang isang Wanted Person na may kasong Robbery sa Infanta, Pangasinan sa kasong Robbery noong ika-28 ng Disyembre 2023
Kinilala ni Police Captain Christopher Nacional, Hepe ng Infanta MPS, ang suspek na si Jarrel Ruano Mascariña, 30, residente ng Brgy. Patima, Infanta, Pangasinan.
Ayon kay PCpt Nacional, bandang 10:20 ng umaga nang naaresto ang suspek sa kanyang tahanan ng mga operatiba ng Infanta MRLET at 105th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 1 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery na may rekomendadong piyansa na Php100,000.
Naging matagumpay ang operasyon ng PNP dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mamamayan sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas para sa tahimik at ligtas na pamayanan.
Source: Infanta MPS
Panunulat ni: PSSg Carmela G Danguecan