Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Grave Oral Defamation sa isinagawang operasyon ng pinagsamang pwersa ng PeƱablanca Police Station kasama ang 204th Maneuver Company, Regional Mobile Force Batallion 2 at Regional Maritime Unit 2 na ginanap sa Centro, PeƱablanca, Cagayan noong ika-16 ng Disyembre 2024.
Ang suspek ay kinilalang si alyas Vin, 31 taong gulang at residente ng nasabing bayan.
Ang suspek ay dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Grave Oral Defamation na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php18,000.
Ang kapulisan ay hindi tumitigil sa pag-aresto at paghahain ng kaso laban sa may mga pananagutan sa batas para sa ligtas at mas mapayapang komunidad.
Source: PeƱablanca Police Station