La Union – Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Balaoan PNP sa Brgy. Bigbiga, Sudipen, La Union nito lamang Miyerkules, ika-05 ng Hulyo 2023.
Kinilala ni Police Major Cresencio Abila Jr., Officer-In-Charge ng Balaoan Municipal Police Station, ang suspek na si Lyndon Labayog y Natividad, 27 at residente ng nasabing lugar.
Ang suspek ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Balaoan Municipal Police Station, Sudipen Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 1, Regional Intelligence Division, Regional Drug Enforcement Unit 1, La Union Provincial Intelligence Unit, La Union Provincial Drug Enforcement Unit at 1st La Union Provincial Mobile Force Company.
Agad naman na isinailalim ang naarestong suspek sa kaukulang disposisyon habang ang court of origin ng ginamit na Warrant of Arrest ay inabisuhan sa pagkakadakip ng akusado.
Ang buong hanay ng kapulisan sa lungsod at maging sa buong rehiyon ay hindi tumitigil sa pagtunton at pagtugis sa mga personalidad na may pagkakasala sa batas.