Arestado ang isang lalaking pinaghahanap ng batas matapos isilbi ng mga awtoridad ang isang Alias Warrant of Arrest sa Barangay Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur bandang alas-9:15 ng umaga, nitong Mayo 22, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rogelio B Miedes, Officer-In-Charge ng City of San Fernando Police Station, ang suspek na si alyas “Zander”, 43 taong gulang, walang trabaho, at residente ng nasabing barangay.
Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng City of San Fernando Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Division 1 (RID 1), at ang Santiago Municipal Police Station, Ilocos Sur Police Provincial Office (ISPPO).
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” May inirekomendang piyansa ang korte sa halagang Php80,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Patuloy ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan upang masugpo ang anumang uri ng karahasan lalo na laban sa mga kabataan.
Source: City of San Fernando Police Station