Arestado ang isang lalaking wanted sa kason Child Abuse sa operasyon ng mga tauhan ng Urbiztondo PNP nitong Lunes, ika-9 ng Setyembre, 2024 sa Barangay Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan.
Ang suspek ay kinilalang si alyas “Win”, at residente ng Sitio Riverside, Barangay Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan.
Bandang 5:00 ng umaga nang isagawa ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o mas kilala bilang Child Abuse Law na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php200,000.
Patuloy pa rin na hinihikayat ng Urbiztondo PNP ang publiko na makipagtulungan at agad na iulat ang anumang uri ng pang-aabuso upang masugpo ang mga ganitong krimen at mapanagot ang mga may sala.
Source: Urbiztondo Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Johndel L Supremo