Cebu City – Tiklo ang isang lalaking tulak ng ilegal na droga sa drug-bust operation ng mga tauhan ng Police Station 6, Cebu City Police Office na ikinasa sa Beligum Street, Brgy. Suba, Cebu City noong Agusto 10, 2023.
Kinilala ni Police Major Francis Renz Talosig, Station Commander ang nadakip na si alyas “Bani”, 24, residente ng Sitio Tarcom, Brgy. Busay, Cebu City.
Dakong alas-10:25 ng gabi noong Huwebes nang mailunsad ang operasyon matapos ang ilang araw na berepikasyon at kumpirmasyon sa mga impormasyong natanggap ukol sa ilegal na aktibidad ng suspek.
Nakuha sa suspek ang nasa 10.42 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php70,856.
Paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art. II ng RA 9165 ang kasong kinakaharap ng suspek.
Patuloy ang kapulisan ng Cebu City PNP sa kanilang mga hakbangin upang sugpuin at pigilin ang mga krimen na dulot ng ilegal na droga sa komunidad.