Arestado ng Cebu City PNP ang lalaking suspek sa pananaksak at pagpatay sa sarili nitong kapatid sa Sitio Cantisang, Barangay Paril, Cebu City noong ika-9 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dexter M Calacar, Officer-In-Charge ng Cebu City Police Office, ang lalaking suspek na si “Narceso”, 50-anyos na mismong kapatid ng biktimang si “Joeniffee”.
Bandang 9:00 ng gabi ng makatanggap ng sumbong ang mga awtoridad ukol sa walang kaabog-abog na pananaksak ng suspek. Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa bandang taas ng kaliwang dibdib nito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Narekober mula sa crime scene ang jungle knife na may habang 12 inches. Dagdag pa dito, poot umano ang naging motibo sa naturang insidente.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 8, CCPO ang suspek at mahaharap ito sa kasong homicide.
Ang kapulisan ng Cebu City ay walang tigil sa pagsasagawa at pagpapaigting ng kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad upang masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: CCPO SR