Naaresto ng mga operatiba ng Tanauan Component City Police Station ang isang lalaking sangkot sa Robbery Hold-up sa kahabaan ng Platoon St, Tanauan City, Batangas nito lamang ika-13 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni PLtCol Virgilio M Jopia, Acting Chief of Police ng Tanauan CCPS, ang naarestong suspek na si alyas “Michael”, 27 taong gulang, walang asawa, at kasalukuyang naninirahan sa Eco Verde Subd., Banjo East, Tanauan City, Batangas at ang kasama nitong si alyas “Kingsale” na kasalukuyan pang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Bandang 8:00 ng hapon ng Oktubre 13, 2024, nagpunta ang biktima sa Tanauan CCPS upang ipagbigay alam ang naturang insidente. Sa inisyal na imbestigasyon, habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Platon St., dumating si alyas Michael na nakasuot ng pulang damit at itim na pantalon at nagtanong sa biktima kung saan ang lokasyon ng Gonzales Hospital, habang humihingi ng detalye, nilabas ng suspek ang hindi pa nalalaman na uri ng baril at nagdeklara ng holdup at kinuha ang sling bag ng biktima na naglalaman ng wallet, cellphone at cash na umaabot sa Php1,500. Umalis ang suspek at sumakay sa isang itim na Sedan Ford Fiesta.
Isang hot-pursuit operation ang isinagawa ng Tanauan CCPS na humantong sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Michael” at pagbawi ng mga ninakaw na gamit gayundin ang getaway vehicle habang ang kasamahan naman nito ay nakatakas. Kasalukuyang nasa kostudiya ng Tanauan CCPS ang suspek para sa pagharap at pagproseso sa kaso nitong Robbery.
Ang matagumpay at mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng PNP ay nagpapatunay lamang ng dedikasyon nito sa taong bayan upang mapanatili ang mapaya at maunlad na pamayanan. Patuloy ang Batangas PNP sa pagsugpo ng kriminalidad sa probinsya at panagutin ang mga may sala sa batas.
Source: Tanuan CCPS
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales