Tuesday, May 6, 2025

Lalaking nanaksak ng 3 kapitbahay, arestado

Arestado ang isang 35 anyos na lalaki makaraang ituro dahil sa pag-aamok at pananaksak ng tatlong kapitbahay nito lamang Linggo, Pebrero 11, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Gilbert C Cruz, Station Commander ng Police Station 12 ang suspek na si alyas “Jawo,” isang helper sa Masinop Street, Tondo, Manila.

Ayon kay PLtCol Cruz, naganap diumano ang insidente dakong 9:45 ng gabi sa kanto ng Tuazon at Masinop Street sa Barangay 42 Tondo, Manila kung saan nag-iinuman ang tatlong biktima na pawang mga trike drayber nang bigla na lang silang nilapitan ng suspek at nauwi ito sa mainit na pagtatalo.

Gamit ang balisong ay walang kaabog-abog na inundayan ng saksak ng suspek ang mga biktima.

Agad namang rumesponde ang kapulisan ng Asuncion PCP na naging dahilan ng pagkakaaresto ng suspek.

Narekober kay alyas “Jawo” ang kanyang balisong na ginamit sa nasabing krimen.

Kasalukuyang nakakulong sa naturang prisinto ang suspek na nahaharap sa kasong Frustrated Murder.

Ang matagumpay na operasyon ay dahil sa pinalakas na ugnayan ng Pulisya at Komunidad kontra kriminalidad na alinsunod sa pangunahing prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na mapanatiling ligtas at maayos ang bansa.

Source: Police Big Brother

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles