Arestado ng kapulisan ng Anda ang lalaking sinaksak ang sarili nitong asawa ng dahil sa selos sa P-7 Bacong, Anda, Bohol, noong ika-25 ng Disyembre, 2024.
Kinilala ni Police Captain Justeofino Hinlayagan, Officer-in-Charge ng Anda Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office, ang suspek na si “Cristito”, 62 anyos na residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng mga awtoridad, selos umano ang naging motibo ng pananaksak ng suspek sa biktimang asawa na kung saan nagtamo ito ng tatlong sugat sa kaliwang dibdib, kaliwa at kanang braso.
Ang biktimang si “Puriza” ay kasalukuyang nagpapagaling sa Gov. Celestino Gallares Memorial Medical Center, Tagbilaran City.
Samantala, ang suspek ay kaagad naaresto ng mga awtoridad at pansamantalang nasa kustodiya ng Tagbilaran City Police Station. Mahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Parricide.
Ang kapulisan ng Anda ay nangangakong mas papaigting pa ang kanilang kampanya na labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad upang matiyak ang kaayusan, at kapayapaan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.
Source: ANDA MPS SR