Panicuason, Naga City (February 21, 2022) – Nailigtas ng tatlong (3) pulis ng Naga City ang isang (1) lalaki na nakuryente sa Barangay Panicuason, Naga City noong Pebrero 21, 2022.
Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang mga pulis sa Quarantine Control Point sa Barangay Carolina, Naga City nang may isang (1) concerned citizen ang nagreport na may isang (1) lalaking nakuryente habang inaayos ang scrap na yero ng bubong ng kanyang bahay na dumikit sa live wire.
Agad na pinuntahan ng mga pulis ang lugar ng insidente at doon nadatnan nilang nakahandusay ang biktima na si Ginoong Ronald Torado, 32 anyos at residente ng Barangay Panicuason, Naga City.
Agad ding isinugod si Ginoong Torado sa pinakamalapit na pagamutan para sa agarang lunas.
Kinilala ang mga rumespondeng pulis na sina Patrolman Nikko Rei Lobrino, Patrolwoman Kristel Betino at Patrolman Herson Laig na pawang mga miyembro ng 2nd Maneuver Platoon Naga City Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rommel Labarro.
Ito ay patunay lamang na ang ating kapulisan ay maaasahan sa anumang oras upang makapagbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.
###
Panulat ni Patrolman Adrian L Dayao, RPCADU 5