Capiz – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril kasunod ng ipinatupad na Search Warrant sa Brgy. Piña, Maayon, Capiz, nitong Biyernes ng umaga, ika-2 ng Hunyo 2023.
Ang naturang Search Warrant implementation ay isinagawa ng mga tauhan ng Maayon Municipal Police Station, kasama ang Criminal Investigation and Detection Group-Capiz Provincial Field Unit.
Ayon kay Police Major Cristopher Candelario, Chief of Police ng Maayon MPS, ipinatupad ang nasabing Search Warrant kaninang alas-5:30 ng umaga sa bahay ng suspek at nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang 12 Gauge homemade shotgun o “Pugakhang”, 1 shotgun shot shell, 1 steel magazine na naglalaman ng isang live 12-gauge ammunition.
Ayon pa kay PMaj Candelario, mahaharap ang may-ari ng baril sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o mas kilala sa tawag na “Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act”.
Patuloy ang Capiz PNP sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang masawata ang mga taong sangkot sa ilegal na aktibidad, terorismo at sa lahat ng uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan sa kanilang nasasakupan.