Kalaboso ang isang lalaking nahulihan ng Php69,700 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Cebu City PNP sa A. Lopez St., Barangay Labangon, Cebu City, noong ika-13 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Major Eraño Sanchez Regidor, Station Commander ng Police Station 10, Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Dencio”, 29 anyos at residente ng Mahayahay 1, Barangay Calamba, Cebu City.
Ayon kay PMaj Regidor, bandang 2:10 ng madaling araw ng ikinasa ng kapulisan ang nasabing buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkasabat ng pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 10.25 gramo atay Standard Drug Price na Php69,700 at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng maayos na pagpapatupad ng kampanya kontra ilegal na droga, at matatag na pagtutulungan ng kapulisan ng Cebu City at mamamayan upang tuluyang masugpo ang ipinagbabawal na droga, tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR