Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na baril at bala sa isinagawang Search Warrant ng mga tauhan ng San Juan MPS kasama ang 403rd A MC RMFB 4A sa Barangay Libato, San Juan, Batangas, noong ika-29 ng Setyembre 2024.
Kinilala ni PLtCol Rommel D Sobrido, hepe ng San Juan MPS, ang suspek na si alyas “Virgilio”, 59 taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng Sitio Centro Barangay Libato, San Juan, Batangas.
Nakuha sa pagmamay-ari ng suspek ang Para-Ordinance pistol cal.45, 9MM Norinco pistol, dalawang magasin ng Caliber .45, anim na piraso ng bala ng Caliber 45., 14 na piraso ng bala ng Cal. 38, tatlong piraso ng bala ng Cal .45, at isang magasin ng 9MM na may 11 na bala.
Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Mas pinaigting ng ating kapulisan ang kampanya kontra kriminalidad lalo na at paparating ang 2025 National Elections, upang maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad at mapanatili ang kaayusan sa ating bansa.
Source: Batangas PNP-PIO
Panulat ni Patrolwoman Maria Sarah P Bernales