Nahuli sa isinagawang drug buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team Police Station 8 ang isang lalaki sa Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City, nito lamang ika-16 ng Agosto 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rob”, 53 anyos at residente ng Lapuz, Iloilo City.
Ayon kay Police Captain Lester Oliveros, Officer-In-Charge ng Police Station 8, nakabili sila sa suspek ng isang (1) plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu gamit ang Php5,000 na buy-bust money.

Narekober pa mula sa kanya ang sampung (10) plastic sachets ng ilegal na droga na may timbang na humigit-kumulang 5 gramo at may Standard Drug Price na tinatayang Php34,000 at nakuha din mula sa suspek ang isang baril na caliber .38 revolver at pitong bala.
Umabot sa dalawang linggo ang pagmamanman ng pulisya sa suspek at napag-alaman na sa kanilang lugar lang siya nagbebenta at umamin na gumagamit ng droga.
Dagdag pa rito, itinuturing din si alyas Rob na suspek sa mga nakawan sa mga barko sa Lapuz Wharf.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Hindi tumitigil ang kampanya ng Iloilo City PNP laban sa ilegal na droga tungo sa minimithi na isang Drug Free Western Visayas.
Source: K5 News FM Iloilo 88.7
Panulat ni Pat Ryza Valencia