GMA, Cavite (January 25, 2022) – Nahuli ng mga kapulisan sa isinagawang COMELEC checkpoint sa pangunguna ni Police Major Gilbert Derla, hepe ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station ang isang lalaking nagpakilalang miyembro ng NBI sa Governor’s Drive, Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite bandang 7:30 ng gabi ng Enero 25, 2022.
Kinilala ang suspect na si John Gandionco y Altarejos, edad 33 at nakatira sa Brgy. 378 Sampaloc 3, Dasmariñas City, Cavite.
Isang Toyota Innova na kulay maroon na may conduction sticker na P4P029 ang minaneho ng nasabing suspek na kung saan ay napansin ng mga awtoridad sa passenger’s seat ang isang (1) Cal. 38 super colt MK IV Series 70 na may serial number 708S56, isang (1) magazine na may laman na anim (6) na bala at isang (1) reserba na magazine na may laman ding limang (5) bala.
Ang suspek ay nagpakilalang miyembro ng National Bureau of Investigation at nagpakita ng dalawang piraso ng Identification Card (IDs) ng kanyang pagkakakilanlan na may logo ng NBI.
Ang nasabing suspek ay inaresto at dinala sa presinto kasama ang mga ebidensya para sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na may kinalaman sa pinapatupad na COMELEC Omnibus Election Code Resolution No. 10728.
Ayon kay PMaj Derla, utos ni PNP Chief General Dionardo Carlos na paigtingin ang mga operasyon laban sa mga nagdadala ng mga baril na hindi otorisado at arestuhin ang mga lumalabag sa COMELEC Omnibus Election Code.
####
Saludo tyo sa mga Alagad Ng Batas..
Saludo po kami sa Inyo….maraming salamat po……