Sultan Kudarat – Tiklo sa pagbebenta ng mga ilegal na baril at explosive device ang isang lalaki sa Purok 2, Brgy. Lagubang, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang ika-7 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang natimbog na si alyas “Niño”, 55, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat na natanggap ni PBGen Macaraeg, inaresto si Niño sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega ng mga tauhan ng CIDG Sultan Kudarat katuwang ang Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station dahil sa pagbebenta nito ng ilegal na baril.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang yunit ng M1 Carbine Rifle, isang Cal. 45 pistol, isang Granada, magazines, mga bala, at ang mga ginamit na marked money.
Ang matagumpay na pagkakaaresto ng suspek ay bunga ng mahusay at mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad at droga ng PRO 12 upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan ng Rehiyon Dose.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin