Surigao del Sur – Kalaboso ang isang lalaki na nag-amok gamit ang isang granada matapos ang agarang pagresponde ng Bislig PNP nito lamang Martes, Abril 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang naaresto na si Mildred Tajor, 45, tricycle driver at residente ng Purok-7, Laurente St, Brgy. Poblacion, Bislig City, Surigao del Sur.
Ayon kay PBGen Caramat Jr, bandang 3:30 ng hapon nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang Bislig City Police Station na agad naman nirespondehan at naabutan si Tajor habang hawak-hawak ang nasabing granada at tanggal na ang pin.
Ayon pa kay PBGen Caramat Jr, natapos lamang ang insidente nang magkaroon ng negosasyon sa pagitan ni Tajor at Bislig PNP sa tulong ng Kapitan ng naturang barangay na humantong sa pagkaaresto at pagkarekober ng granada.
Dagdag pa nito, na wala namang nasaktan sa insidente ngunit nagdulot ito ng takot at pagkabahala sa tao.
Samantala, batay sa imbestigasyon ng pulisya nagmula sa isang away asawa ang pag-aamok ni Tajor.
Mahaharap si Tajor sa kasong Alarms and Scandal at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
“Bislig CPS’s prompt and successful response, which resulted in the suspect’s arrest mentioned above, is truly commendable. With our unwavering commitment to serving and protecting the Caraganons, we urge everyone to report individuals causing alarm and scandal”, pahayag ni PBGen Caramat Jr.
###
Panulat ni Jhunel Cadapan, RPCADU 13