Lebak, Sultan Kudarat – Arestado ng Lebak PNP ang isang lalaki sa kasong murder, noong Ika-25 ng Hunyo 2022.
Kinilala ni PLtCol Julius Malcontento, Chief of Police ng Lebak Municipal Police Station, ang suspek na si Ryan Abdul Usman, 27, may asawa, at residente ng Purok Daisy, Pasandalan, Lebak, Sultan Kudarat.
Ayon kay PLtCol Malcontento, naaresto si Usman sa nabanggit na lugar ng pinagsanib puwersa ng Lebak MPS, Sultan Kudarat Criminal Investigation and Detection Group 12, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company at MAPRSTA.
Ayon pa kay PLtCol Malcontento, naaresto si Usman sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Dagdag pa ni PLtCol Malcontento, matapos kapkapan ang akusado at inspeksyunin ang gamit nito, nakita sa loob ng kanyang pulang back pack ang isang unit ng Cal. 38 revolver at apat na bala nito.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin