Arestado ang lalaking may kasong 3 Counts ng Qualified Rape matapos malambat ng kapulisan ng Lapu-Lapu City sa Barangay Marigondon, Lapu-Lapu City, Cebu, noong ika-29 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Eraño S Regidor, Station Commander ng Police Station 4, Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si “Wilson”, 53 anyos, residente ng Villa Verna, Barangay Marigondon, Lapu-Lapu City, Cebu.
Bandang 8:00 ng gabi ng maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 Counts ng Qualified Rape na walang
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay bunga ng pinagsanib pwersa ng Police Station 4, LCPO at San Jose Del Monte City Police Station, Bulacan Provincial Police Office.
Ang kapulisan ng Lapu-Lapu City ay walang tigil sa pagsasagawa at pagpapaigting ng kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad upang masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.