Himas rehas ang lalaking suspek na may dalawang kaso ng paglabag sa RA 7610 matapos maaresto ng kapulisan ng Lapu-Lapu City sa Kamanggahan 2, Barangay Pajo, Lapu-Lapu City, Cebu noong ika-4 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Felix C Cleopas III, Station Commander ng Police Station 3, Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si “Ronaldo”, 46 anyos at residente ng Purok 5-A Kalachuche, Barangay Looc, Lapu-Lapu City.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang 7:50 ng gabi ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa dalawang kaso ng child abuse kaugnay sa Republic Act 7610 na may Php180,000 na piyansa bawat kaso.
Ang Lapu-Lapu City PNP ay walang tigil sa pagsasagawa at pagpapaigting ng kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad upang masiguro ang kaayusan sa kanilang nasasakupan dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka!.
Source: LCPO SR