Sarrat, Ilocos Norte – Naaresto ang isang lalaking may dalang pampasabog sa Oplan Sita ng mga pulisya ng La Union noong Marso 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Julius Suriben, Provincial Director, Ilocos Norte Police Provincial Office, ang suspek na si Christopher Bulanadi y Ringor, 45, walang asawa, walang trabaho, residente ng Brgy. Dulao, Aringay, La Union.
Ayon kay PCol Suriben, naaresto ang suspek sa Brgy. 17, San Felipe, Sarrat, Ilocos Norte ng mga miyembro ng 1st Platoon Ilocos Norte Police Mobile Force Company.
Dagdag pa ni PCol Suriben, kahina-hinala ang galaw ng naturang suspek kaya naman nilapitan ito ng dalawang kapulisan na nagsasagawa ng Oplan Sita.
Nakuha mula sa bag ng suspek ang isang round ng cartridge 40mm high explosive, dalawang piraso ng improvised power source ng Improvised Explosive Device, Hand Held Radio Motorola na may wire, labing-apat na piraso ng lighter at isang pirasong holster.
Mahaharap ang suspek sa kasong Illegal Possession of Explosives o RA 9516.
Mas paiigtingin ng Pambansang Pulisya ang pagpapatupad ng Oplan Sita sa kanilang nasasakupan upang magkaroon ng maayos at tahimik na pamayanan lalo na’t malapit na ang eleksiyon.
Source: Ilocos Norte Police Provincial Office
###
Panulat ni Patrolman Viljon Anthony Comilang