Arestado ang isang lalaki matapos maaktuhang lumikha ng kaguluhan at may dalang deadly weapon sa Purok Calabasa, Sitio Carajay, Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City dakong alas-12:15 ng tanghali noong Hunyo 9, 2025.
Kinilala ni Police Major Felix C. Cleopas III, Station Commander ng Police Station 3, Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si Belly Jude, 38-anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga operatibang sina Patrolman Sobiono at Patrolman Logroño, parehong nakatalaga sa Traffic Enforcement Unit ng Lapu-Lapu City Police Office ang suspek na nagkakalat ng kaguluhan sa naturang lugar habang may dalang isang (1) deadly weapon na bolo. Dahil dito, agad siyang inaresto ng mga pulis.
Walang malinaw na dahilan ang naibigay kung bakit armado ng bolo ang suspek at kung ano ang nagtulak sa kanyang paglikha ng kaguluhan.
Ang mabilis na pagkakaresponde ay nagpapatunay sa pagtupad ng kapulisan sa direktiba ni C, PNP Police General Nicolas D. Torre Ill, na naglalayong matiyak ang Swift and Responsive Police Service.