Navotas City — Arestado ang isang lalaki dahil sa pagdadala ng ilegal na baril na kanya ring ginagamit bilang panakot sa sinumang nakakasalubong nito sa naturang Lungsod nito lamang Martes, June 7, 2022.
Kinilala ni Northern Police District Director, Police Brigadier General Ulysses Cruz ang suspek na si Jaime Castro alyas “Mata”, 40, residente ng Laurel St. Tondo, Manila.
Ayon kay PBGen Cruz, nahuli ang suspek bandang alas-10:30 ng gabi sa loob ng Navotas Fish Port, Market 3, Barangay NBBN ng mga tauhan ng Navotas City Police Station.
Hinuli si Castro nang makatanggap ng impormasyon ang nasabing istasyon galing sa isang concern citizen tungkol sa maling ginagawa ng suspek.
Nang respondehan ito ng pulisya, narekober sa kanya ang isang .38 revolver at limang live ammunition.
Sinampahan ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Castro kaugnay sa paglabag nito ng Omnibus Election Code.
Nagbigay naman ng babala si PBGen Cruz sa sinumang may mga unregistered firearms na huwag itong gawing panakot at gamitin sa paggawa ng anumang krimen o kaya’y isauli na lamang ito sa mga otoridad o iparehistro na lamang upang ito’y maging legal.
Source: NPD PIO – PCpl Fuensalida
###